Air quality sa Google Maps: Maaari nang i-activate ang secret function na ito . Ang Google Maps ay isang navigation app, na patuloy na tumatanggap ng mga bagong feature upang mas magbigay ng kakaiba at bagong karanasan sa maraming user na gumagamit nito araw-araw. Magkakaroon ng pagkakataong i-check o i-consult ang lagay ng panahon at kalidad ng hangin habang nagna-navigate sa mapa. Masasabi na kapaki-pakinabang, lalo na sa nakababahalang pagtaas ng level ng polusyon sa buong mundo lalo’t higit sa Italya. Sabay-sabay nating alamin kung paano ito i-activate, nasa ibaba ang lahat ng detalye.
Basahin din: Pagbabago sa driver’s license: Tatanggalin sa edad na 68 sa mga professional drivers
Paano i-activate ang Air quality sa Google Maps
Salamat sa Google Maps, posibleng nang suriin ang kalidad ng hangin sa isang syudad. Isang hindi pa kilalang function, na maaaring “sikreto” pa sa iba, ngunit madali lamang itong i-activate. Sa top left corner ng app, makikita mo ang isang maliit na rectangular box, sa ibaba ng search bar. Sa space na ito maaaring tingnan ang temperatura gamit ang isang icon na nagpapakita ng kondisyon ng panahon, pati na rin ang index ng kalidad ng hangin. Sa pamamagitan ng function na ito maaari mo ring malaman kung may snow o ulan na parating.
Ang gamit ng Air quality sa Google Maps
Maraming mga insight sa likod ng function ng Air quality sa Google Maps. Posible ring kumonsulta sa maximum at minimum na temperatura ng araw, pati na rin ang forecast para sa 12 oras. Ang mga users ay magkakaroon din ng higit pang mga detalye sa kalidad ng hangin. Kabilang sa mga opsyon na magagamit, ay ang ang mga sumusunod :
Street View, Survey, Trapiko, Pampublikong Transportasyon, Bisikleta, ngunit pati na rin ang Air Quality. Ang mga kulay na nakasaad sa mapa ay nagpapakita kung ang hangin sa paligid natin ay good, fair, average o poor.
Basahin din: Bonus para sa mga Senior Citizen: Narito kung paano magkakaroon ng discount sa bus, tren, barko at eroplano
Air quality sa Google Maps, available na sa Italya
Ang katotohanan matagal ng ipinakilala ang opsyon na pagsuri sa kalidad ng hangin sa mga lugar na malapit sa user nito. Noong 2022, ginawa ng team ng Mountain View giant ang anunsyo sa mga user nito. Ngunit limitado pa lang at ginawang available lamang ang potensyal na ito para sa ilang geographical areas. At sa wakas, isang announcement lamang kamakailan na available na din ito sa Italya.